Yes! We want to get there – to finally become a licensed architect. After 7 long years of college and apprenticeship, eto na, exam nalang ang balakid na tatahakin.
Preparing for the board exam is not easy.
Lalo na kung pinagsasabay mo ang work at review, or may times na nagkakaroon ka ng anxiety.
Pano kung hindi ko to kayanin?
Pano kung hindi ako makapasa?
Pano kung hindi pa sapat ang inaral ko?
Pano kung maging disappointment lang ako sa friends and
family?
Kahit ako naexperience ko to, and to make matters worse, during my time, naabutan kami ng pandemic. Kaya we also struggle around the thought na “matutuloy kaya ang exam?” “Kelan kaya matutuloy ang exam?” Mas lalo lang na prolong ang agony namin.
Sa kalagitnaan ng review ko, dumating ang time na nape-pressure na ako. May pressure na nanggagaling sa sarili ko, kung kakayanin ko ba aralin ang mga dapat na aralin ko.
May pressure from my batchmates na kasabay ko sa review, na baka napag-iiwanan na ako. And lalo nang may pressure from my family and friends na nakakaalam na magte-take na ako ng exam at nag-eexpect na na makapasa ako.
Kasi, alam mo yun, what if hindi?
> Madidisappoint ko sila
> Nagsayang lang ako ng effort at oras
> Nagsayang lang din ako ng pera
> Hindi pa ako makakapagpractice as an architect
> Hindi pa ako makakapag move on sa pag-aaral
The struggle is there. And the struggle is real.
Alam ko sa sarili ko na kinailangan ko lang mag pursige. Pero di ko rin talaga maipagkakaila ang sandamakdak na review notes at gabundok na mga dapat aralin. Alam naman natin na ang dami ng coverage ng exam, mapa History of Architecture, Theory of Architecture, Principles of Planning, Building
Utilities, Design, etc. Sa dinami-dami ng coverage, meron lang akong limited time.
Lalong lumala ang pressure noong papalapit na ang exam and when I was trying to keep up with the pace of our review center course works or study sessions, group study sessions, and my personal reading and review session. Ang dami ng babasahin at aaralin!! At pakonti nalang ang oras…
I felt the need to revamp my study methods and routine.
Gumawa na ako ng mga flashcards para ma-optimize ang aking review. At first gumawa ako ng mga flashcards sa mga index cards.
Kaya lang, bukod sa sobrang effort at time-consuming sa pagsusulat, noong dumami na ang nagawa ko, naging sobrang hassle na rin para sa akin dahil sa sobrang dami, namimisorganize ko, hindi na convenient, at mangilan-ilan ay nasisira lang, nawawala or namimisplace.
Then sinubukan kong gumawa ng digital flashcards gamit ang isang app.
Time-consuming din eto sa una kasi ako mismo gumawa ng mga cards ko,
pero it was all worth it.
Instead na nagbabasa lang ako passively ng mga text-heavy reviewers, mas naunawaan ko ang technique ng ACTIVE RECALL and SPACED REPETITION sa paggamit ng flashcards sa review.
Hindi lang yun. Dahil isa sa inaaral ko noon ay ang Famous Architectural Buildings para sa History of Architecture, mas napadali ng digital flashcards ang pagre-review ko dahil mas navivisualize or reretain ko sa photographic memory ang looks ng mga famous architectural buildings na andon sa flashcards.
Nagagawa ko na ring magreview habang nasa commute sa jeep, habang nasa park or kumakain sa labas dahil sa convenience ng digital flashcards na sobrang accessible mapa-laptop man or phone.
Mas nadapali ng digital flashcards ang review process ko dahil it allowed me to have more time to review sa mga more demanding na subjects. And then…
I passed the board exam.
Thank God I did it! Ngayon, isa na akong licensed architect.
And kung nakayanan ko, alam kong kaya mo rin!